Tuesday, April 19, 2011

Paano Ka Manampalataya?

Paano ka Manampalataya? katulad ka ba ng Iba na Bihira lang Mag simba at Makaalala sa kanya? Nakaka alala ka Lang ba kung May nais ka hiligin, o baka naman kung may problema ka lang. O puwede naman na lage kang nag sisimba, dala ang rosaryo, sobra manampalataya pero pag labas hindi mo sinasabuhay, yung tipong nakikinig ka sa mga salita ng Diyos na may halong luha pa, pero pag labas mo sa tahanan niya, Daig mo pa ang may kapansanan, bingi sa pakikinig ng hinaing ng iba, bulag sa katotohanan at kabutihan, Pipi sa pamamahagi ng mga salita ng Diyos, Paano nga ba tayo Manampalatay sa ating Diyos Ama,?  Ginagamit lang ba natin siya pag tayoy may kailangan, Ginagamit ba natin siya para makilala, Kung ako ang tatanungin marahil ay hindi ko rin masasagot. Hindi ako pala simba, mas pinipili ko pa ang pumunta sa mall at manood ng sine, kesa makinig sa mga salita niya, hindi ko mabigay ang 1 araw o 2 oras ko para sa kanya, Pero alam mo ang Diyos natin Buong buhay niya inilaan niya para sakin, para sayo.  Pag gising ko kasama ko siya hangang pag pikit ng aking mga mata. Napaka buti niya wala siyang hinihiling na iba, hindi siya nag hahangad ng pang sariling kabutihan, Alam mo ba kung ano lang ang nais niya Mabuhay ka ng maligaya.....kahit hindi na siya ang mahalin mo kahit ang kapwa at sarili mo na lang. kahit kelan hindi siya naging maka sarili. tayo lage ang inuuna niya, naisip mo na ba na lahat ng meron ka sa ngayon ay kayang kaya niya bawiin? sa ganun maalala mo siya, pero ang ating panginoon hangad parin ang iyong kabutihan, mas pipiliin niya na masaktan maging masaya ka lang. pero hangang kelan natin siya ipapako sa Krus at sasaktan sa pag gawa ng mga maling bagay, sa hindi pag alala sa kanyang mga gawa., mas masakit pa kesa sa matinik na korona ang pag limot mo sa kanya....... kelan natin aalisin ang mabigat na krus na kanyang dala? kelan natin aalisin ang matinik na korona naka patong sa ulo niya. kelan tayo magigising sa katotohanan? kelan natin hahawakan ang kamay niya at  tutungo sa tahanan ng ating Diyos Ama? kelan tayo mananampalataya sa kanya na walang kapalit? kelan ? Pag huli na ba ang Lahat?

No comments:

Post a Comment