Napakasarap umibig. ito ang pinaka masayang yugto ng buhay ng isang tao. pero ito rin ang pinaka masakit na maaaring maging parte ng buhay mo, paaano mo ba malalaman kung wagas ang pag ibig? kung totoo? simple lang malalaman mo na wagas ang pag ibig mo kung nag mamahal ka ng walang kapalit, yung tipong nasasaktan ka pero handa mo siyang patawarin. pero alam mo ba kung ano ang totoong sukatan ng wagas na pag ibig? simple lang " pagpapalaya" sa kanya ng wa walang galit sa puso. mahirap "oo" masakit "tama". pero dapat natin isipin na kaya natin ginagawa ito hindi sa taong wagas nating minahal, kundi sa pagmamahal natin sa ating sarili.may mga taong makikilala natin pero hindi ito na ngangahulugan ng habang buhay na kaugnayan. ang pag ibig parang kalye. may makikilala tayo kasama natin tumawa, umiyak pero darating din siya sa kanto na kelangan niya lumiko at mag paalam. nakakalungkot pero kung iisipin mo mag isa ka lang nag lakad kaya mag isa karin uuwi. wag mo piliin maging malungkot, isipin mo na lang na pinahiram siya para malibang ka sa iyong paglalakbay, para hindi mo mapansin ang pagod at hindi mo namamalayan na nakarating kana pala sa iyong pupuntahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



Thank you
ReplyDeleteThank you
ReplyDeleteIm overwhelmed its excellent thank you
ReplyDeleteTenkyou
ReplyDelete